Prosecutor sa 'Maguindanao' namatay

MANILA, Philippines - Namatay kahapon sa atake sa puso ang isa sa miyembro ng prosekusyon na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre.

Kinumpirma ni Justice Sec. Leila de Lima ang pag­ka­matay ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, 54.

Nagawa pang maisu­god sa Medical City sa Pasig si Dacera subalit idineklara na itong dead on arrival.

Si Dacera ay nagsilbi ding provincial prosecutor ng Lanao del Sur at director ng Witness Protection Program (WPP).

Samantala, pinapa­imbestigahan na ni de Lima ang nadiskubreng prob­lema na bumaba­gabag kay Dacera bago ito namatay. Gayunman, tu­manggi ang kalihim na isiwalat ito para na rin sa proteksyon sa pa­ milya ng opisyal baga­ma’t may kaugnayan umano ito sa trabaho.

Pansamantalang itina­ laga si Atty. Martin Menez bilang acting director ng WPP.

Show comments