^

Bansa

2 Pinay timbog sa cocaine sa Brazil!

- Ni Ellen Fernano -

MANILA, Philippines - Dalawang Pinay ang nahaharap sa parusang bitay matapos na masabat at mahulihan ng kilo-kilong cocaine sa kanilang bagahe habang papasok sa Brazil International Airport.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, kasalukuyang nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong drug trafficking ang hindi pa pinangalanang mga Pinay matapos na arestuhin ng Brazilian Federal Police habang papasok sa Guarulhos International Airport sa magkasunod na insidente kamakailan.

Isa sa Pinay ay nakitaan sa kanyang luggage ng 15 bags ng cocaine na tumitimbang ng 5 kilo.

Sinabi ng Pinay sa mga police agents na nabili umano niya ang mga bag sa Sao Paolo St. na ibebenta naman umano niya pag-uwi sa Pilipinas. Aniya, hindi niya alam na ang 15 bags na kanyang binili ay naglalaman ng cocaine.

Ayon kay Ambassador Eva Betita, matapos na mahuli ang nasabing Pinay ay sumunod pa na naaresto ang isa noong Oktubre 17 na nahulihan ng hindi binanggit na timbang ng ipinagbabawal na droga.

Mula Enero hanggang Oktubre ngayon taon ay 15 Pinoy ang naaresto sa Brazil dahil sa kasong drug trafficking, 13 dito ay kababaihan.

AMBASSADOR EVA BETITA

AYON

BRAZIL INTERNATIONAL AIRPORT

BRAZILIAN FEDERAL POLICE

DALAWANG PINAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GUARULHOS INTERNATIONAL AIRPORT

MULA ENERO

OKTUBRE

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with