P-Noy, mga kapatid dumalaw sa puntod ng magulang
MANILA, Philippines – Dinalaw kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga kapatid ang puntod ng kanilang magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Isang misa ang ginanap sa puntod nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila Memorial Park dakong alas-11:00 ng umaga.
Kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid na sina Pinky Aquino-Abellada, Ballsy Aquino-Cruz, Viel Aquino-Dee at kanyang mga bayaw at pamangkin.
Inulan din ng mga bulaklak ang puntod ng magulang ni P-Noy mula sa mga supporters nito na unang dumalaw noong Nov. 1. (Rudy Andal/Danilo Garcia)
- Latest
- Trending