MANILA, Philippines - Maghaharap ng apela sa Court of Appeals (CA) ang may 2,000 empleyado ng Philippines Air Lines matapos katigan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mass lay-off sa mga empleyado ng nasabing airline.
Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta ang PALEA sa harap ng DOLE kahit holiday at walang pasok sa tanggapan ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz.
Pero ayon naman kay Sec. Baldoz, ang pagbibigay nila ng pahintulot sa apela ng PAL ay ibinatay lamang sa merito ng mga apela at mosyon ng magkabilang panig.
Kaugnay nito, iaakyat na lamang umano ng PALEA ang kanilang kahilingan sa Court of Appeals (CA).
Ayon kay PALEA president Gerardo Rivera, wala na silang pag-asa kay Baldoz at maging kay Pangulong Benigno Aquino III kaya sa korte na lamang sila dudulog.