MANILA, Philippines - Ito ang iginiit kahapon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasabay nang pagpapahayag ng pagkadismaya dahil sa popularidad ng mga “Halloween at Horror Movies” sa panahon ng Undas.
Ayon kay Monsignor Pedro Quitorio, tagapagsalita ng CBCP at director ng CBCP Media Office, dahil sa mga naturang Halloween at Horror Movies ay nagiging kaisipan na ng mga tao na dapat katakutan ang mga patay, na mula aniya sa Kanluraning tradisyon.
Mistula rin aniyang natatakpan ng mga naturang nakakatakot na pelikula ang tunay na kahulugan ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Gayunman, ipinaliwanag ni Quitorio na walang dahilan para katakutan ang mga patay katulad ng ipinapakita sa mga palabas sa pelikula.
Aniya pa, ang mga ito ay mga mahal natin sa buhay at wala silang gagawin na anumang makakasakit o magdudulot ng takot sa atin.
Sa halip aniya ay dapat na huwag kalimutang ipagdasal ang mga yumaong mahal sa buhay.
“You have no reason to fear the dead that is portrayed in the movies otherwise. They are loved ones and they are in heaven,” ayon pa kay Quitorio.
Kasabay nito, nanawagan si Quitorio sa mga mananampalataya na huwag kalimutan ang tunay na kahulugan ng “All Saints’ Day at All Souls’ Day.”