OFW natagpuang naaagnas sa Kuwait
October 31, 2010 | 12:00am
MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na Pinay na nagtatrabaho sa isang salon ang natagpuang naaagnas ang katawan sa isang bubungan ng isang exhibition hall sa Kuwait.
Kinilala ang Pinay na si Jenny Dechosa, tubong Cebu. Si Dechosa ay umalis sa kanyang tinutuluyan noong Oktubre 10 ng umaga upang pumasok sa kanyang part-time job sa Mishref at nabigo na siyang makauwi.
Nakita ang kanyang bangkay noong Oktubre 16.
Isang Egyptian na suspek sa pamamaslang sa Pinay ang inaresto na ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong murder.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended