^

Bansa

'Neri brinaso ni GMA sa NBN deal'

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Brinaso umano ni da­ting Pangulo at ngayoy Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo si dating­ NEDA Secretary Romulo Neri isang araw bago pir­mahan ang $329 million ZTE national broadband network deal sa China noong Abril 21, 2007.

Ito ang testimonya ni Star columnist Jarius Bondoc kahapon sa pag­dinig sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng kasong graft ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos.

Sinabi ni Bondoc na umaga ng Agosto 20,2007 ay tinawagan siya ni Neri at ibinigay sa kanya ang apat na pangalan na sinasabing may kinalaman sa ZTE-NBN project.

“Sec. Neri mentioned a certain Ricky Razon, Abalos and either GMA (Arroyo’s initials) or (then First Gentleman Jose Miguel) Mike Arroyo. He said, ‘You find out for yourself. I can’t tell you. I won’t tell you’,” pahayag ni Bondoc sa graft court.

Sinabi ni Bondoc na kinokonsidera niyang ka­ibigan si Neri noong pana­hon ni dating Pangulong Corazon Aquino noong si Neri ay pinuno ng Congressional Planning and Budget Office ng Maba­bang Ka­pulungan ng Kongreso.

Ito anya ang dahilan kung bakit nagtiwala sa kanya si Neri para ibigay sa kanya ang impor­mas­yon hinggil dito.

Sinabi din anya ni Neri sa kanya na naihayag niya kay Mrs. Arroyo na nag­bibigay sa kanya si Abalos ng P200 Milyon at sinabi ni Mrs. Arroyo na ““E di hu­wag mong tang­gapin, but I need the NEDA ap­provals just the same.”

Isa si Bondoc na naipa­tawag sa usaping ito ma­tapos magsulat ng mga artikulo kaugnay ng NBN project.

ABALOS

BENJAMIN ABALOS

CONGRESSIONAL PLANNING AND BUDGET OFFICE

CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL

JARIUS BONDOC

MRS. ARROYO

NERI

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with