^

Bansa

Webb hiling i-abswelto sa 'Vizconde'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Naghain ng motion for acquittal sa Korte Suprema si Hubert Webb, ang pa­ngunahing suspect sa Vizconde massacre, ma­tapos mabigo ang National Bureau of Investigation (NBI) at Paranaque Regional Trial Court na mai-produce ang semen specimen na nakuha sa kata­wan ng biktimang si Car­mella Vizconde, na posible umanong magpatunay ng kanyang pagiging inosente sa kaso.

Sa pamamagitan ng abogado ni Webb na si Atty. Demetrio Custodio Jr. iginiit nito sa 28-pahinang motion na nilabag ng es­tado ang kanyang constitutional rights sa due process nang mawala ang nasabing specimen ha­bang nasa pangangalaga ng gobyerno, ito man ay sinadya o bunga ng kapa­bayaan.

Una nang ipinag-utos ng Supreme Court na maisa­ilalim sa DNA analysis si Webb upang ma­ikumpara ito sa semen specimen na nakuha sa labi ni Carmela na ginamit na ebidensya sa kaso.

Gayunman, binawi ng SC ang nasabing kautusan matapos madiskubre na wala na sa pangangalaga ng NBI o maging ng korte ang nabanggit na ebi­densya. Nagdesisyon din ang kataas taasang huku­man na desisyunan na lamang ang kaso batay sa hawak nitong ebidensya.

Sa kanyang mosyon, sinabi ng kampo ni Webb na may 15 taon nang na­kapiit sa New Bilibid Prisons na wala nang dahilan para manatili ito sa bilang­guan dahil inamin na ng mga awtoridad na nawa­wala ang mahalagang ebi­densya.

Naniniwala ang panig ng depensa na kung walang matibay na ebi­densiyang magdidiin laban kay Webb at sa iba pang akusado ay marapat la­mang na maabswelto ito sa kaso.

Una nang nanindigan si Webb at iba pang akusado sa Vizconde massacre na wala itong kina­laman sa masaker kung saan si Webb ay iginiit na nasa ibang bansa nang maganap ang krimen na sinuportahan nito ng ibat ibang ebidensya. 

Sa rekord ng korte, nang­yari ang krimen noong June 29, 1991 kung saan napatay si Carmela, inang si Estrellita at naka­babatang kapatid na si Jennifer.

Bukod kay Webb, hina­tulan din ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong rape with homicide sina Hospicio “Pyke” Fer­nandez, Antonio “Tony Boy” Lejano, Michael Gat­chalian, Peter Estrada at Miguel “Ging” Rodriguez.

Samantala pinatawan ng 12 taong pagkaka­kulong si Gerardo Biong bilang accessory dahil sa pagsira sa ebidensiya.

CARMELA

DEMETRIO CUSTODIO JR.

GERARDO BIONG

HUBERT WEBB

KORTE SUPREMA

MICHAEL GAT

NANG

SHY

VIZCONDE

WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with