19,000 barangay, SK chairmen proklamado na

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 19,000 barangay sa buong bansa ang nakapag-proklama na ng mga nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Divina Blas-Perez, Director ng Election and Barangay Affairs Department ng Commission on Elections, 18,926 o 45.6 percent ng kabuuang 42,025 barangay sa buong kapuluan ang may bagong set ng mga chairman, kagawad at SK officials.

Kamakalawa ay nasa 2,303 ang nagsagawa ng halalan matapos ipagpa­liban ang botohan noong Lunes dahil sa aberya ng delivery ng mga election materials habang kahapon ay nasa 117 barangay ang magsasagawa ng eleksiyon.

Hindi naman maka­pagpalabas pa ang Co­melec ng bilang ng mga botanteng nakilahok sa halalan dahil kailangan muna raw nilang tapusin ang lahat ng botohan.

Show comments