^

Bansa

Hatol kay Trillanes ipinagpaliban ng korte

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kinatigan kahapon ng korte ang hirit ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV na ipagpaliban muna ang pagbababa ng hatol  dito  kaugnay sa kasong kudeta na isinampa laban sa mga sundalong nag-aklas sa  Oakwood Hotel  noong taong 2003.

Nabatid kay Atty. Rey Robles, abogado ni Trillanes, natanggap nila kahapon ang ibinabang kautusan ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Oscar Pimentel ng Branch 148 na inaprobahan ang kanilang motion para  ipagpaliban muna ang promulgasyon bilang pagbibigay ng konsiderasyon sa proklamasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na nagbibigay ng amnestiya sa mga rebeldeng sundalo.

Nakatakda na sanang isagawa ang promulgasyon ng naturang korte para kay Trillanes at iba pang sangkot sa Oakwood mutiny ngayong araw, subalit ipinasiya munang ibimbin upang bigyang-daan ang hirit ng abogado ng mga akusado.

Sa naturang motion, iginiit ng abogado ng mga sundalong Magdalo na mababale-wala lamang kahit na mapatunayang “guilty” at walang dudang nagkasala sa naturang kaso ang mga akusado sa oras na mapagtibay ng dalawang kapulungan ng kongreso ang amnesty proclamation ni Pangulong Aquino.

Muli namang itinakda ni Judge Pimentel ang pagbibigay ng hatol kay Senator Trillanes at mga kasamahang sundalo sa Disyembre 16, 2010 dakong alas-8:30 ng umaga.

vuukle comment

JUDGE OSCAR PIMENTEL

JUDGE PIMENTEL

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

OAKWOOD HOTEL

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

REY ROBLES

SENATOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with