^

Bansa

Heroes award sa bayaning guro

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isinulong ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng “heroes award” sa gurong nasawi sa pagtatanggol sa kanyang mga mag-aaral nang pagsasaksakin ng puganteng nag-amok sa Zamboanga City kamakailan.

Sinabi ni Undersecretary Lino Rivera na inirekomenda na niya sa DepEd at sa Malacanang na bigyan ng espesyal na “heroes award” si Grade 2 teacher Lorna Pulalon para kilalanin ang kabayanihan nito sa pagbubuwis ng sariling buhay upang mailigtas ang kanyang mga paslit na estudyante ng Talisayan Elementary School sa naturang lungsod.

Nagbigay na umano ang DepEd ng P50,000 monetary assistance sa pamilya ni Pulalon na siyang otomatiko sa batas ngunit hiniling na niya kay Pangulong Benigno Aquino III na magbigay pa ng ibang benepisyo para sa kadakilaan nito at tulong sa iba pang biktima ng karumal-dumal na krimen.  Agad naman umanong iniutos na ng Pangulo sa Presidential Management Staff (PMS) na agad na aksyunan ang kahilingan.

Nasa maayos na ring kalagayan ang gurong si grade 6 teacher na si Joni Torres na naratay sa “intensive care unit (ICU)” ng Brent Medical Center at ang limang pang estudyante na malubhang nasugatan sa pag-aamok.

Sinabi ni Rivera na kilala ang nasawing si Pulalon na nagbibigay ng mga damit sa kanyang mahihirap na estudyante.

BRENT MEDICAL CENTER

DEPARTMENT OF EDUCATION

JONI TORRES

LORNA PULALON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

PULALON

SINABI

TALISAYAN ELEMENTARY SCHOOL

UNDERSECRETARY LINO RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with