^

Bansa

P-Noy dismayado sa Comelec

- Ni Rudy Andal -

TARLAC CITY, Philippines  – Nadismaya si Pangulong Benigno Aquino III sa naging paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections kahapon.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa media briefing matapos siyang bumoto sa Central Azucarera Elementary School kasama ang kanyang mga kapatid na sina Pinky Aquino-Abellada at Ballsy Aquino-Cruz, maraming lugar sa bansa ang nabalam ang pagdadala ng mga election paraphernalias.

Ayon kay Aquino, 2 o 3 araw bago ang eleksyon ay nakatanggap siya ng balita na made-delay daw ang paghahatid ng mga election paraphernalias sa maraming lugar sa bansa.

Sinabi ni P-Noy, nakakadismaya ang nasabing ulat ng Comelec gayung kung tutuusin ay mas madaling hawakan ang barangay elections kaysa sa nakaraang May 10 presidential elections.

“Paano ka naman masa-satisfy dun,” paliwanag pa ng Pangulo sa Malacanang reporters na tinukoy na may mga Brgy sa Legazpi City , Albay ang ipinagpaliban din ang botohan bunga ng pagka-delay ng mga poll paraphernalias gayung hindi naman liblib na lugar ang mga ito.

 Tumagal lamang ng 15 minuto si P-Noy sa kanyang pagboto dakong alas-10 ng umaga at pumila ito kasama ang kanyang mga kapatid at hinintay ang kanilang pagkakataon na makaboto.

Idinagdag pa ng Pangulo, aalamin niya ang naging dahilan upang mabalam ang delivery ng mga election paraphernalias sa maraming lugar sa bansa.

BALLSY AQUINO-CRUZ

CENTRAL AZUCARERA ELEMENTARY SCHOOL

COMELEC

LEGAZPI CITY

P-NOY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PINKY AQUINO-ABELLADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with