33 patay sa ERVI's, 14 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot  na sa 33 katao ang nasawi habang 14 pa ang nasugatang biktima  umpisa nitong election period hanggang kahapon kaugnay ng idinaos na Brgy./SK elections sa bansa.

Plano namang idiskuwalipika ang mga multi-termers na brgy. chairman.

Ayon kay PNP Task Force HOPE Commander Director Benjamin Belarmino, higit na mababa ng 70 % ang mga insidente ng Election Related Violence Incidents (ERVIs) ngayong taon kumpara noong 2007 elections.

Nabatid na nasa 67 insidente ng karahasan ang naitala noong 2007 kung saan mahigit sa 40 ang nasawing mga kandidato.

Sinabi ni Belarmino sa 47 insidente na naitala umpisa noong Setyembre 25 hanggang alas –3 ng hapon nitong Lunes ay nasa 33 kandidato ang napaslang at 14 naman ang nasugatan.

Karamihan ng naita­lang karahasan ay na­irekord sa Ilocos Region at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Itinakda naman na ipagpatuloy ang naantalang eleksyon nga­yong Martes hanggang bukas.

Show comments