^

Bansa

Eleksyon bokya sa 1,732 barangay

- Doris Borja, Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 1,732 mga barangay ang na­bigong magdaos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa, ayon sa mga opisyal kahapon.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, katumbas ito ng 4.12 % ng kabuuang 42,025 barangays sa buong kapuluan.

Aminado ang Comelec na ang pagkaantala ng delivery ng mga election paraphernalias at maging ang nagdaang bagyong Juan ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakapagsagawa ng halalan ang mga nasabing barangay.

Pinakamarami sa na­turang mga barangay ay mula sa Masbate na umaabot sa 531 habang 321 barangays naman mula sa Albay at 246 sa Sorsogon ang hindi natanggap ang kanilang mga election paraphernalias tulad ng mga ballot boxes.

Sa lalawigan ng Isabela na sinalanta ng bagyong Juan, sinabi ni PNP Task Force HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections ) Commander Director Benjamin Belarmino na 87 Barangay ang hindi nakapagdaos ng halalan sa mga bayan ng Dinapigue, Jones, Maconacon, Palanan at Divilacan.

Aabot naman sa 19 Barangay sa Dagupan City, Pangasinan, 16 sa Ba­gabag, Nueva Vizcaya, 20 sa  Abulug, Cagayan, dalawa sa Paniqui , Tarlac ang hindi rin nakapagdaos ng eleksyon at iba pang mga naapektuhang lugar.

Sa kabila naman ng ilang insidente ng karahasang may kinalaman sa halalan , kapwa idineklara ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na naging mapaya­pa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng eleksyon.

Ayon kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo , naging mapayapa sa pangkalahatan ang idinaos na halalan bunga ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng kapulisan katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

“The election went smooth and orderly for most part,” ani Bacalzo.

“The election was generally peaceful throughout the country. There were postponement in some areas but the reasons are not security related”, pahayag naman ni AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

CHIEF LT

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

COMMANDER DIRECTOR BENJAMIN BELARMINO

DAGUPAN CITY

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with