^

Bansa

'Katring' darating ngayon

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kung hindi magbabago ng direksiyon inaasa­han ang pagpasok sa bansa ngayong umaga ng tropical depression “Katring”.

Ayon kay Boy Soriaga, weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PagAsa) si Katring ay namataan kahapon sa layong 470 kilometro ng Pacific Ocean at kumikilos sa kanlurang bahagi sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Soriaga na malaki ang posibilidad na maging ganap itong bagyo at pumasok sa Philippine area of responsibility su­balit itinanggi naman nito na maaari itong maging super typhoon na katulad ng bagyong Juan.

Idinagdag pa ni Soriaga na ang nararanasang pag-ulan sa kasalukuyan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ay epekto ng paglisan ng super typhoon Juan.

Matinding hinagupit ng bagyong Juan ang Hila­gang Luzon na puminsala sa maraming agrikultura at ari-arian sa naturang rehiyon.

Tinatayang aabot sa 26 katao ang iniulat na nasawi sa pananalasa ng bagyo at puminsala sa P7 bilyong ari-arian.

AYON

BOY SORIAGA

IDINAGDAG

KATRING

LUZON

MATINDING

METRO MANILA

PACIFIC OCEAN

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SORIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with