MANILA, Philippines - Dahil sa ulan na dala ng bagyong Juan, tumaas na kahapon ang water level sa Angat Dam sa Bulacan na umaabot sa 181 meters, mas mataas ng bahagya sa critical level na 180 meters.
Ayon sa PAGASA, may 0.37 meters na taas na tubig ang nadagdag kahapon dulot ng ulan na dala ni Juan.
Gayunman, ang 181-meters na water level ng Angat ay malayong malayo pa sa spilling level na 212 meters para sa dam.
Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 97 percent ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.