SC may palugit sa Bar blast

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Korte Suprema ng isang linggo ang isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa Bar exam blast sa De La Salle University nitong Setyembre.

Sinabi ni Supreme Court at Court Administrator Atty. Midas Marquez, ayaw nilang hadlangan ang NBI na siya ngayong lead agency na nagsasagawa ng imbestigasyon kaya minarapat nitong palawigin pa ang deadline na una nang itinakda kahapon, Oktubre 15.

Mayroon ding bagong teorya ang NBI at ina­asa­han na nila ang posi­bleng pag-aresto sa mga akusado sa mga susunod na araw. Kasama din sa report ng SC ang rekomendasyon nito sa panukalang tanggalin na ang tradisyon na salubong at paghatid sa mga exa­minees sa tuwing ginaganap ang Bar exams.

Show comments