^

Bansa

'Odd-even' ng MMDA pinalagan

-

MANILA, Philippines - Inulan ng batikos ng mga galit na motorista ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa planong ibalik ang “odd-even scheme” sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni National Council for Commuters Protection president Elvira Medina, na hindi dapat tanggalan ng karapatan ng MMDA ang mga pribadong motorista na magamit ang EDSA dahil nagbabayad ang mga ito ng “road users tax”.

Iginiit ng mga motorista na ayusin na lamang ng MMDA ang “color coding scheme”, pagsasagawa ng mga totoong operasyon laban sa mga kolorum na bus, pagwalis sa mga iligal na terminal at paghihigpit pang lalo sa pagpapatupad ng batas trapiko sa EDSA upang mapaluwag ito.

Nilinaw naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na isa pa lamang proposal ang planong “odd-even scheme” na kailangan pa umanong aprubahan ng mga Metro Manila Mayors at maglabas ng isang resolusyon. 

Ayon kay Tolentino, resulta umano ito ng pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines kung saan nabatid na hindi na umano sapat ang ipinatutupad na “color coding” para makamit ang angkop na bilis ng biyahe sa EDSA.

Nilinaw rin nito na dalawang bersyon ang nakapailalim sa panukala.  Sa ilalim ng “Version A”, ipapatupad ang “odd-even” mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi na walang “window hours”.  Sa “version B”, tuwing “rush hours” lamang o mula alas-7:30am-10am at 5pm-7pm. 

Ang mga sasakyang nagtatapos ang plaka sa odd numbers tulad ng 1,3,5,7,9 ay bawal bumiyahe sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang mga “even numbers” tulad ng 2,4,6,8 at 0 ay bawal bumiyahe tuwing Martes, Huwebes at Sabado. 

Hindi naman ipatutupad ang odd-even tuwing Linggo. Ipatutupad ito sa lahat ng uri ng sasakyan maging pribado, pampasaherong bus at maging sa mga motorsiklo.

Iginiit naman ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na dapat mahigpit na ipatupad ang “no illegal parking” sa Metro Manila at linisin ang mga highways at kalsada mula sa mga behikulong naghihintay ng pasahero. (Danilo Garcia/Malou Escudero)

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMUTERS PROTECTION

DANILO GARCIA

ELVIRA MEDINA

IGINIIT

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with