Vice-Mayor's League pinanumpa ni P-Noy

MANILA, Philippines - Pinanumpa sa tungkulin ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong pamunuan ng Vice-Mayor’s League of the Philippines-National Capital Region.

Pinangunahan nina Caloocan City Vice-Mayor Edgar Erice, pangulo ng Vice-Mayor’s League-NCR at Quezon City Vice-Mayor Josefina “Joy” Belmonte, treasurer ng liga, ang mga nanumpa kahapon kay Pangulong Aquino sa Malacañang.

Nanumpa din sa kanilang bagong tungkulin ang ibang appointees ni Pangulong Aquino sa pamumuno ni Robert Vergara, president ng GSIS, Edilberto Sandoval, presiding justice ng Sandiganbayan, Atty. J. Andres Bautista bilang bagong chairman ng PCGG.

Pinanumpa din ni P-Noy si Mariano Augustine Rodriguez bilang director III ng Presidential Communications Operations Office sa ilalim ni Sec. Herminio Coloma.

Show comments