Pag-IBIG Fund may bago ng CEO

 MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Aquino si Darlene Marie Berberabe bilang bagong chief executive officer (CEO) ng Pag-IBIG Fund.

Pinalitan ni Berberabe si Jaime Fabiana na nabatikos ng mga senador sa hearing ng Senado kaugnay sa maluwag na pag-apruba ng loans at walang mahigpit na safeguards.

Hinirang namang board members ng Pag-IBIG sina Edgardo Lacson, Jesus Varela, Jaime Miralles, Raul de Mesa, at Benjie Martinez.

Samantala, hinirang si Ofelia Sta. Maria bilang bagong deputy administrator ng Land Registration Authority.

Show comments