^

Bansa

Sasakyang nagdala sa mga sugatan sa La Salle blast, hanap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinapahanap na ng Task Force Bar Operations 2010 ang mga may-ari ng mga sasakyang ginamit sa pagdala sa mga biktima sa pagamutan sa naganap na pagsabog sa huling araw ng Bar Examinations sa harap ng De La Salle University noong Setyembre 26.

Ayon kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section at namumuno sa investiga­ting team sa naganap na pagsabog, nakikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Office (LTO) upang mahanap ang mga may-ari ng mga sasakyan na nagdala sa mga biktima sa mga pagamutan.

“The owners of the vehicles could give vital information in the incident because they are in the area. We need their statement for possible identification of the suspect or suspects,” ayon kay Macaraeg.

Nabatid na nakuha ng awtoridad ang mga plate number ng isa sa mga sasakyang ginamit at sinabing “witness” lamang ito sa kanilang imbestigasyon.

“Nakita namin sa CCTV na isang van yung ginamit para maghatid sa mga biktima. Gusto namin silang makausap para alamin kung ano ang kanilang nalalaman sa kaso,” ayon pa sa opisyal.

ARMANDO MACARAEG

AYON

BAR EXAMINATIONS

DE LA SALLE UNIVERSITY

IPINAPAHANAP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MACARAEG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NABATID

TASK FORCE BAR OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with