Arroyo bill hahati sa ARMM
MANILA, Philippines - Lilikha lamang umano ng kawalan ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak sa hanay ng mga Muslim ang panukalang batas na isinusulong ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para hatiin ang rehiyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
“It is a weird thing to know that then President Gloria Macapagal-Arroyo had been negotiating with the MILF for nine years only to surface now that she was not true to what he instructed her negotiators of solving the ‘Moro Question’ in Mindanao,” pahayag kahapon ng isang opisyal ng MILF na tumangging magpabanggit ng pangalan na ipinoste sa website ng kanilang grupo na luwaran.com.
Nabatid na isinusulong ni Rep. Gloria sa ilalim ng House Bill No.173 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na hatiin sa dalawang rehiyon ang ARMM na sasaklawin ng Southwestern Mindanao at Autonomous Region in Central Mindanao.
Ang ARMM ay binubuo ng Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Lanao del Sur, Maguindanao at Marawi City.
- Latest
- Trending