Tapyas kurso sa State U sagot sa kapos na pondo

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga state universities at colleges (SUCs) sa buong bansa na magtapyas ng iniaalok na mga kurso para sa school year 2011-12 bilang sagot sa mas pinababa pang pondo.

Sinabi ni CHED Chairperson Dr. Patricia Licuanan na ang pagbabawas ng kurso ang kanyang nakikitang solusyon upang hindi bumaba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay ng mga pamantasang pampubliko.Ikinatwiran pa nito na napakarami nang nagsulputan na mga pampublikong kolehiyo ngayon na naghahati-hati sa budget.  Bukod pa rito, may kanya-kanyang mandato o espesyalisasyon ang mga ito ngunit nag-umpisang mag-alok ng ibang kurso kaya lalong tumaas ang pangangailangan.

Show comments