^

Bansa

P20-M suhol kay Cruz

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tinangka umanong suhulan ng P20 milyon ng isang jueteng lord si retired Lingayen-Dagupan archbishop Emeritus Oscar Cruz na ipinadaan sa isa sa kanyang mga pari.

Ayon kay Cruz, hindi niya inakala na may gagawa nito sa kanya. “Ang tingin ata sa akin ay para akong may presyo”, ani Cruz.

Gayunman, magalang naman umanong tinanggihan ng isa niyang pari ang alok ng hindi pina­ngalanang jueteng lord.

Sinabi umano ng naturang pari na sapat pa ang kanilang panga­ngailangan at sakaling sila ay kakapusin saka pa lamang sila lalapit dito.

Samantala, inihayag din ng arsobispo ang kanyang pagtestigo bukas sa hearing ng House of Representatives sa jueteng scam na kanyang unang ibinunyag sa Senate Blue Ribbon Committee.

Kasama ni Cruz sa kanyang pagtestigo ang iba pang “jueteng whistle blower”.

vuukle comment

AYON

CRUZ

EMERITUS OSCAR CRUZ

GAYUNMAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KASAMA

LINGAYEN-DAGUPAN

SAMANTALA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with