$434-milyong grant sa Pinas pirmado na

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Pangulong Aquino sa Millennium Challenge­ Corporation (MCC) na hindi mawawaldas ang ipinagkaloob nitong $434 milyong grant sa Pilipinas na ang layunin ay makamit ang Millennium Development Goals sa 2015.

Sinaksihan ni Pangulong Aquino ang paglagda sa MCC compact grant na ginanap sa Waldorf Astoria sa New York City na sinaksihan din ni US Secretary­ of State Hilary Clinton.

Sinabi ni Aquino, maayos na gagastusin ng gobyerno ang ipinagkaloob na tulong upang makamit ang development targets sa 2015. Ang MCC ay US government agency na pangu­nahing trabaho ay matulungan ang mga deve­loping countries na maiangat sa kahirapan.

Show comments