DENR executive sinisi sa problema sa LLRP
MANILA, Philippines - Ang problemang nagpapahirap sa P18.7-Bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project ay nagsimula nang isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ang nagmungkahing ang supply contract nito ay ibahagi sa isa pang Belgian company.
Ayon sa mga dokumentong may kaugnayan sa usapin, noong huling bahagi ng Mayo 2010, iminungkahi umano ni Undersecretary Demetrio Ignacio ang “sharing” ng supply contract ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC) sa kalabang Jan de Nul (JDN).
Ang mungkahing ito ay malinaw na taliwas sa kasunduang nilagdaan ni dating DENR Secretary Eleazar Quinto noong Pebrero 5, 2010 at mga sumunod na inamyendahang kasunduan sa pagitan ni Secretary Horacio Ramos at BDC noong Abril 25, 2010.
Nasorpresa ang BDC sa mungkahi at ni-reject ito at sinabing si Ignacio at Assistant Secretary Michelle Go ay walang awtoridad na gumawa ng suhestyon.
Matapos na tanggihan ng BDC ang suhestyon, nagsumite ang JDN ng sariling “unsolicited proposal” para sa proyekto at idinahilan ang basehan nila ng usapin na nauwi sa pagkabinbin ng kontrata.
Sa halip na ibasura ang JDN proposal dahil ang BDC ay nakakuha na ng supply contract, pinagbigyan ng DENR ang hinaing ng JDN sa pamamagitan umano nina Ignacio at Go.
- Latest
- Trending