MANILA, Philippines - Pinuna ni Atty. Salvador Britanico, dating pangulo ng Philippine Trial Lawyers Association at partylist representative ng 14th Congress, na malinaw sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) report na nalilito ito kung sino ang pananagutin sa insidente.
Natali daw kasi ang IIRC sa sinasabi sa crisis management manual & established international hostage protocols na nililimita sa lowest level o sa mga nasa pinakamababang posisyon ang responsibilidad sa mga hostage incident para malimitihan ang bargaining power ng hostage taker.
Hindi kasi malinaw dito kung ano ang responsibilidad ng mga nasa matataas na posisyon.
Gaya na lamang anya ng kaso ni DILG Usec. Puno na inako ang responsibilidad ni DILG Sec. Jesse Robredo sa National Crisis Committe. Malinaw umano sa manual na ang mandato ng DILG secretary ay pulungin at umakto bilang chairman, pero nakakapagtaka umano na si Robredo pa ang vice-chair ng IIRC committee kung saan sa nangyaring pagdinig ay lumilitaw na kritikal at bias umano ito laban kay Puno at sa PNP na siya ang may overall responsibility.
Maituturing umano na “comedy of errors” ang report na kailangang himaying mabuti ng Malacañang legal panel.
Samantala, ayon sa mga tagamasid, para ma tukoy ang nag-leak sa nawawalang pahina, dapat pag-aralan ang motibo, oportunidad at pasilidad ng gumawa nito.