Lifestyle check sa mga sabit sa jueteng

MANILA, Philippines - Isasailalim sa lifestyle check ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga personalidad na sina­sabing tumatanggap ng pera mula sa illegal na sugal na jueteng.

Sa isang press con­ference, sinabi ni BIR Com­missioner Kim Jacinto-Henares na ang imbesti­gasyon ay sisimulan sa talaan ng mga pangalan na binubusisi ng Senado kaugnay ng jueteng payola issue.

Ani Henares, ang ga­ga­wing lifestyle check ay malalaman kung ang im­por­masyon ng mga pinag­hihinalaang opisyales na sangkot sa jueteng ay nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan at kung saan nagmumula ang kanilang kita.

Hindi naman nilinaw ni Henares kung ang mga personalidad na nasang­kot sa jueteng sa nag­daang mga taon ay ka­sama nilang bubusisiin.

Show comments