^

Bansa

Papel na gagamitin sa bagong drivers license tulad ng papel ng pera ng RP

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Katulad ng papel ng pera ng Pilipinas ang papel na gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) sa ipalalabas nitong bagong drivers license sa taong 2011.

Ito ang ginawang pag­lilinaw ni LTO Chief Virgie Torres sa mga pagkuwestiyon kung bakit babalik sa papel na lisensiya ang naturang ahensiya.

“Ang drivers license na ito ay matagal nang ginagamit sa France, Brazil, Taiwan at sa iba pang bansa at mahirap na makopya at masira, environment friendly pa,” pahayag ni Torres.

Anya, hindi naman papel lamang ito dahil babalutan pa rin ng plastic ang lisensiya na tulad ng dati na naka-plastic.

Nilinaw din ni Torres na ang pinahusay na uri ng drivers license ay matagal nang naaprubahan ng nagdaang administrasyon at ito lamang ay kanyang ipagpapatuloy.

Umaabot sa P500 mil­yon ang pondo ng Budget department sa paggawa ng bagong lisensiya na inaasahang ipalalabas sa Enero 2011.

ANYA

CHIEF VIRGIE TORRES

ENERO

KATULAD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NILINAW

PAPEL

PILIPINAS

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with