Malacañang nagbayad ng PR firm sa US para pabanguhin si P-Noy
MANILA, Philippines - Inamin ng Malacañang na ginaya nila ang estilo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang pabanguhin ang pangalan ni Pangulong Benigno Aquino III sa international community kung saan ay nagbayad sila ng PR firm sa Estados Unidos.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, standard operating procedures (SOP) na daw ang pagkuha ng US PR firm kapag nagpunta sa ibang bansa lalo sa Amerika.
Aniya, hindi lamang si Pangulong Aquino ang gumawa nito kundi maraming leaders din na dumalo sa 65th United Nations General Assembly.
Pero noong ginawa ito ni dating Pangulong Arroyo ay umani ng batikos ang dating chief executive pero ngayon ay ginagawa din ni P-Noy.
Magkakasunod ang ginawang pagpapa-interview ni Aquino sa New York Times and Wall Street Journal habang ito ay nasa New York.
Unang lumabas na umabot daw sa $1 milyon (P45 milyon) ang ibinayad sa US PR firm pero itinanggi ni Sec. Carandang.
Ayon kay Carandang, maliit lamang ang ibinayad nila at handa daw nila itong pangalanan kapag binigyan sila ng ‘clearance’.
- Latest
- Trending