^

Bansa

3 Customs men sinuspinde ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwan ang tatlong opisyal ng Bureau of Customs dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa umanoy kahina hinalang importasyon ng melamine-laced milk sa bansa.

Nakilala ang tatlong  Customs officials na sina  Customs Operations Officers Emmanuel Reyes, Akmad Noor, at Dante Crisostomo.

Sa siyam na pahinang desisyon, sinabi ni  Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez  na ang kanyang tanggapan ay nakakuha ng sapat na ebedensiya para idiin ang mga akusado sa naturang kaso.

Sinabi ni Gutierrez na habang isinasagawa ang preliminary investigation  ng tanggapan ng  Ombudsman sa kasong ito, inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga nabanggit.

AKMAD NOOR

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS OPERATIONS OFFICERS EMMANUEL REYES

DANTE CRISOSTOMO

MERCEDITAS N

NAKILALA

OMBUDSMAN MA

SINABI

SINUSPINDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with