^

Bansa

Belgium sigurado ang suporta sa Laguna Lake rehab project

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kinumpirma na ng Embahada ng Belgium ang kanilang pagsuporta sa Laguna Lake Rehabilitation Project.

Nakasaad sa sagot ni Ambassador Christian Meerschman sa liham ni dating DENR Secretary Horacio Ramos na may petsang Hunyo 10, 2010, na naghahanda ng pera ang BNPP-Fortis para sa Laguna Lake Rehabilitation project sa ilalim ng Office National du Ducroire (ONDD) export credit facility.

Ang ONDD ay isang Belgian Public Export Agency na itinatag noong 1921 ng Estado ng Belhika at gumagalaw bilang isang institusyon ng pamahalaan na autonomous at may garantiya ng Belgium.

Ang liham ni Meerschman ay nagpapatunay na mali ang alegasyon ng mga bumabatikos sa proyekto na ito ay walang suporta ng Brussels at hindi maaaring ituring na gawain na sasailalim ng Official Development Assistance Act.

Isang malaking dagok ang liham na ito sa mga kumakalaban sa proyekto at magsisilbi rin namang dagdag na argumento para sa mga tumatangkilik nito.

Matatandaan na su­mulat ang daan-daang naninirahan sa paligid ng Laguna de Bay kay Pa­ngulong Benigno Aquino II noong Setyembre 13 upang hilingin na ituloy na ang nabibinbing proyekto na siyang magpapalalim sa 94,900-ektaryang lawa at magbubukas ng mga channels na daanan ng mga bangka at barges at magtatatag din ng ferry system at fishports.

Sinuspinde ni Finance Secretary Cesar Purisima ang proyekto dahil sa mga batikos ni Sen. Franklin Drilon, ang tagapangulo ng komite sa pananalapi ng Senado.

AMBASSADOR CHRISTIAN MEERSCHMAN

BELGIAN PUBLIC EXPORT AGENCY

BELHIKA

BENIGNO AQUINO

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

LAGUNA LAKE REHABILITATION

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

OFFICE NATIONAL

OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANCE ACT

SECRETARY HORACIO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with