Inday lumakas habang palabas ng RP

MANILA, Philippines - Lumakas pa ang bagyong Inday habang patuloy ang pagkilos patungo sa direksiyon ng hilagang kanluran, kahapon ng umaga.

Kahapon ng alas-11 ng umaga, namataan ng PAGASA si Inday sa layong 510 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 150 kiometro malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 185 kilometro bawat oras.

Ngayong Linggo ng umaga, si Inday ay inaasahang nasa layong 470 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, at inaasahang lalabas ng bansa sa Lunes sa layong 550 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes o nasa layong 170 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Taipei, Taiwan.

Show comments