P-Noy, Shalani 'di pa hiwalay

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ni Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ang ‘tsismis’ na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Pangulong Noynoy Aquino.

“No there is no truth to the rumor,” sabi ng girlfriend ng Pangulo sa Palace reporters sa pamamagitan ng text message.

Huling nakita ng publiko si Shalani na kasama ni P-Noy noong death anniversary ni dating Pangulong Corazon Aquino sa La Salle Greenhills noong Agosto 1.

Dumalo din ang presidential girlfriend sa inagurasyon ni Aquino noong June 30 sa Qurino Grandstand gayundin noong kinagabihan na street party sa Quezon Memorial Circle kung saan ay kasama pa nito si Kris Aquino at anak na si Joshua.

Inamin naman ni P-Noy na hindi sila nakakapag-usap at nagkikita ni Shalani.

“The President said that they have been very busy and they have not had the chance to talk to each other,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Show comments