^

Bansa

Robredo kinastigo sa jueteng

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinastigo kahapon ni Sen. Chiz Escudero at iba pang mambabatas sa Mababang Kapulungan si DILG Sec. Jesse Robredo sa paninisi sa Philippine National Police kaugnay ng ‘di masupil na pagla­ga­nap ng jueteng sa bansa.

Ayon kay Escudero, kakatwang tinutuligsa ni Robredo ang “kahinaan” ng isang sangay ng pa­mahalaan na nasa ilalim din ng kanyang panga­nga­­siwa.

“Sec. Robredo should protect the PNP as an institution under DILG. Why is he destroying it by bad­mouthing the very organization he’s supposed to protect?” wika ni Senador Escudero.

“Wala syang (Rob­redo) ginawa kundi mag­turo at magpasa ng sisi,” ayon naman kay Anak­pawis Rep. Rafael Mariano.

Dagdag ni Mariano, ito rin ang ginawa ni Robredo sa naganap na Manila hostage-taking noong Agosto 23 imbes na ipag­ laban ang mga taong nasa ilalim ng kanyang pamu­muno.

Bunsod nito, muling hiniling ni House minority leader at Albay Rep. Edcel Lagman, isang kritiko ni Rob­redo, na dapat mag­bitiw sa tung­kulin si Rob­redo dahil sa delicadeza. Tinawag pa na “incompetent’ ni Lagman si Robredo.

Sabi naman ni Sen. Miriam Defensor San­tiago, ang pagsugpo sa jueteng ay parehong trabaho ng DILG at PNP at kailangang magtulu­ngan ang dala­wang ahen­siya upang mapahinto ang jueteng.

Wika ni Santiago, ang paninisi ni Robredo ay hindi katanggap-tanggap.

“(This is) a standard defense which is unacceptable because identifying jueteng operators is the task of the [Department of Interior and Local Government] and [Philippine National Police] chief,” wika ni Santiago.

Nakatakdang magsa­gawa ng hiwalay na im­ bes­­tigasyon ang Senado at Kamara ukol sa pa­hayag ni dating Lingayen Archbishop Oscar Cruz na ang ilang opisyal sa ilalim ng Aquino administration ay tuma­tanggap ng bu­wanang jueteng payola.

P2M weekly payola sa DILG chief?

Kasunod pa rin ng tumitinding isyu sa jue­ teng, inakusahan naman ng isang military spy sa Bicol ang DILG chief na tumatanggap uma­no ng P2 milyon bawat linggo bilang jue­teng payola.  

Isang “bagwoman” uma­no ang nagdadala ng pera kay Robredo nang ang huli ay mayor pa ng Naga.

Magugunita na pinag­dudahan ang nasyona­lidad ni Robredo na si­nasabing hindi Pilipino at ipinagbabawal ng Kons­titusyon na siya ay maupo sa anumang posisyon sa gobyerno lalo na iyong may kinalaman sa segu­ridad ng bansa kahit na siya ay “acting” lamang.

ALBAY REP

CHIZ ESCUDERO

EDCEL LAGMAN

JESSE ROBREDO

LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with