^

Bansa

Pinoy na pinatay sa California, natagpuan na

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Natagpuan na ang katawan ng nawawalang Pinoy na isa sa limang katao na umano’y pinatay ng kapwa Pinoy sa Hercules, California, USA.

Ayon sa Hercules Police, nakita ang katawan ng Pinoy na si Frederick Sales, 35-anyos, habang nakatago sa isang closet o maliit na silid sa ibaba ng kanilang bahay kung saan nakita rin noong Agosto 27 ang bangkay ng kanyang ama na si Ricardo Sales, 73.

Una nang hinalughog ng nakalipas na linggo ng mga search and rescue volunteers ang may 3,000 toneladang tambak ng basura sa Pittburgh upang mahanap ang katawan ng nakababatang Sales subalit hindi ito natagpuan.

Bagaman hindi na ma­kilala ang naagnas na katawan, positibong natukoy ng Contra Costa Coroner’s Office na ito ay si Frederick sa pamamagitan ng kanyang dental records.

Bukod sa mag-amang Sales, pinatay din umano ng Fil-American na si Efren Valdemoro, 38, ang dalawa pang Pinay at kanyang nobya.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BAGAMAN

BUKOD

CONTRA COSTA CORONER

EFREN VALDEMORO

FREDERICK SALES

HERCULES POLICE

PINOY

RICARDO SALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with