^

Bansa

Bumbero sa Pinas paubos na

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagkukulang na uma­no ang mga bum­ bero sa bansa dahil ma­rami sa mga ito ay lumi­pat sa ibang trabaho na mas mataas ang su­weldo at ang iba ay nag-early retirement.

Ayon kay Senator Miriam Defensor-San­tiago, sa ngayon umano ay may 2,500 lamang na fire fighters­ para sa dalawang milyong ma­mamayan sa National Capital Region (NCR) gayong ang ratio dapat ay isang bumbero para sa 2,000 katao.

Sabi ni Santiago, kung kukuwentahin, umaabot sa 5,000 ang kulang ng bombero sa NCR.

Sa Quezon City la­mang ay may 20 fire fighters ang naghain ng early retirement at sa NCR, 125 ang umalis sa serbisyo dahil sa early retirement ngayong 2010.

Inirereklamo rin umano ang napakaba­bang su­weldo na P12,000 kada buwan ng mga bagong bumbero o “early entry”, pero pagkatapos ng iba’t ibang kaltas ka­sama na ang buwis nasa P1,500 na lamang ang natitira.

Nagpahayag na rin nang pagkabahala si Senior Supt. Pablito Cordeta, NCR director ng Bureau of Fire Protection sa pag-aalisan ng kani­lang mga tao sa ahen­siya.

Dahil dito, iginiit ni Santiago sa DILG na na­nga­ngasiwa sa BFP na magsagawa ng imbesti­gasyon upang makapag­pasa ng batas para ma­tu­gunan ang pagkaubos ng mga bumbero sa bansa.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

INIREREKLAMO

NATIONAL CAPITAL REGION

PABLITO CORDETA

SA QUEZON CITY

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SAN

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with