Transparency sa LGU's giit ng DILG

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Acting DILG Secretary Jesse Robredo ang local government units na ilagay sa kanilang websites ang kanilang budget at gastusin.

Sinabi ni Acting Sec. Robredo, suportado ng League of Cities of the Philippines at League of Provinces of the Philippines ang kanyang hakbang na ito upang ipakita ang transparency ng bawat local government units.

Wika pa ni Robredo, nais ng taumbayan na malaman ang kinikita ng kanilang lugar, ang budget, kontrata at gastusin bilang bahagi ng transparency ng gobyerno.

Inatasan din ng DILG chief ang mga LGU’s na sumunod sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

“The annual procurement plans of at least fifty percent of all LGUs should be published in the Internet,” giit pa ni Robredo.

Show comments