MANILA, Philippines - Naniniwala ang Malacañang na maghihilom din sa tamang panahon ang sugat na nilikha ng August 23 hostage crisis.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma, sa sandaling lumabas ang final investigation report ng binuong Incident Investigation and Review Committee ni Pangulong Aquino ay inaasahang magiging daan ito upang tuluyang maibalik ang magandang imahe ng Pilipinas.
“This will be healed in time. We will prevail from this unfortunate incident and our long relationship with Hong Kong and China will remain,” sabi ni Sec. Coloma.
Kamakailan ay inako ni Pangulong Aquino ang lahat ng responsibilidad sa nangyaring madugong hostage kung saan 8 Hong Kong tourists ang nasawi matapos i-hostage ni Sr. Insp. Rolando Mendoza ang isang bus sa Qurino Grandstand lulan ang 21 HK tourists at 4 na Pinoy.
Naunang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ang final report ng IIRC ang dadalhin ng high-level team na binubuo nina Vice-President Jejomar Binay, DFA Sec. Alberto Romulo at siya sa Hong Kong at China.