MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, muling dumaong sa Manila Bay ang barkong USS George Washington supercarrier ng Estados Unidos bilang bahagi ng apat na araw na ‘goodwill visit ‘ sa Pilipinas.
Ayon kay US Navy Captain David Lausman, commanding officer ng GW, alinsunod sa matibay na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ay nais ng hukbong dagat ng dalawang bansa na mapalakas pa ang seguridad sa Asia Pacific Region lalo na kontra sa banta ng terorismo.
Ang USS George Washington sa ilalim ng command ni Rear Admiral Dan Cloyd ay may Carrier Air Wing 5, Destroyer Squadron 15, guided missiles cruisers UUS Shiloh at USS Cowpens.
Ang GWs ay may sukat na 1,092 talampakang haba, 257 talampakang lapad at 244 talampakang taas na kayang mag-accommodate ng 80 aircraft sa flight deck nito sa barko na may 4.5 acres ang sukat kung saan mahigit sa 5,000 ang sailors nito.