2 LPA namataan sa Cagayan
MANILA, Philippines - Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa may Silangang bahagi ng Cagayan.
Ayon sa Pagasa, ang unang LPA ay namataan sa layong 70 kilometro,ng silangan ng Cagayan habang ang ikalawang LPA ay namataan sa layong 740 kilometro ng Silangan ng Cagayan. Sinabi ni Elson Dianela weather observer ng Pag Asa kapag naging ganap na bagyo ang namataang low pressure area ito ay tatawaging bagyong Henry.
Gayunman, sinabi nitong malayo pa naman ang tyansang maging ganap na bagyo ang naturang LPA dahil bukod sa malayo pa ito sa Philippine territory mahina din ito. Idinagdag pa ni Dianela na walang kinalaman ang namataang LPA sa mga nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa .
- Latest
- Trending