^

Bansa

Impeachment vs Gutierrez gumulong na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Umusad na kahapon sa Kamara ang pagdinig laban kay Chief Ombudsman Merceditas Gu­tierrez hinggil sa impeachment complaint na isinampa dito.

Sinang-ayunan ng may 31 kongresista sa Maba­bang Kapulungan ng Kon­greso ang mos­yong inihain ni Ilocos Norte Rep. Ro­dolfo Fari­nas matapos ideklarang sufficient in form ang reklamo kay Gu­tierrez sa­mantala kinontra naman ito ng 9 kon­gresista.

Nagkaroon ng dis­kurso ng humirit si Iloilo Rep. Ferjenel Biron na mag-inhibit sa isinam­pang rek­lamo si House Committee on Justice chairman Neil Tupas Jr., kaya nagkaroon ng ka­unting ‘delay’ sa usaping ito.

Sabi ni Biron sa harap ng pagdinig, na convicted ng Office of the Ombudsman ang tatay ni Rep. Tupas kaya malaking kwestiyon ito hinggil sa partiality sa nasa­bing usapin.

Gayunman, naka­handa naman busisiin ng komite sa susunod na pagdinig kung may ‘sufficient in substance’ ang reklamong pagpapa­talsik kay Gutierrez.

Naghain ulit ng kaso sa pangalawang pagka­kataon sa Kongreso ang impeachment complaint tungkol sa culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at ang hindi pag-aksyon umano o pagbalewala sa anim na malalaking kaso na isi­nampa sa nasabing ahen­siya.

BIRON

CHIEF OMBUDSMAN MERCEDITAS GU

FARI

FERJENEL BIRON

HOUSE COMMITTEE

ILOCOS NORTE REP

ILOILO REP

NEIL TUPAS JR.

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with