Pinay tinodas ng mister sa US!

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang Pinay matapos na pagbabarilin ng kanyang hiniwalayang asawang Amerikano matapos ang kanilang matinding pag-aaway noong Linggo ng gabi sa Idaho, USA.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insi­dente ang Pinay na naki­lalang si Florence Mad­rinan-Stone, tubong Zamboanga del Norte bunga ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo at batok matapos na barilin ng sariling asawa na nakilalang si Chris Allen Stone.

Si Chris Allen ay agad na naaresto ng pulisya at sinampahan ng kasong second degree murder dahil sa pagbaril at pag­pa­tay sa asawang Pinay. Inirekomenda ang hala­gang $1milyon na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Chris Allen.

Nakita ng mga nagres­pondeng pulis ang du­guang katawan ni Madri­nan-Stone na nakasa­lampak sa likod ng isang mini-van sa driveway ng kanilang tirahan.

Iginigiit naman ng akusado na self-defense lamang ang nagyari kaya niya napatay ang asawa.

Sa salaysay ni Chris Allen, una siyang sinak­sak ng kanyang misis na Pinay sa tiyan kaya napilitan niyang barilin ng dalawang beses.

Gayunman, palaisi­pan ang testimonya ng suspek sa pulisya dahil ang tama ng bala ng misis nito ay sa likod ng leeg at ulo na posibleng binaril habang nakatalikod.

Nagbunsod umano ang matinding pagtatalo ng mag-asawang Stone nang sabihin ng biktima na kaya lamang niya pinakasalan si Stone dahil gusto niyang maka­kuha ng green card na nauwi sa matinding pag-aaway at mauwi sa krimen.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, naghiwalay ang mag-asawang Stone at magkaiba na ng ka­nilang tirahan at kasa­lukuyang pinoproseso ang kanilang pormal na paghihiwalay o divorce. Sila ay mag-asawa ng 10 taon at may dalawang anak.

Show comments