PhilHealth para sa mahihirap
MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ngayong Setyembre ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nationwide registration para masakop ng PhilHealth ang mga mahihirap na Pinoy sa bansa sa loob ng tatlong taon.
Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona, ang mga PhilHealth desks ay ilalagay sa mga public schools, municipal halls at lahat ng DOH-retained hospitals sa buong bansa.
Ayon naman kay Philhealth President at CEO Dr. Rey Aquino, maari na ring magparehistro sa lahat ng PhilHealth regional and service offices.
Makakasama ng DOH ang DILG upang matiyak ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa pag-paparehistro habang ang papel naman ng DSWD ay ang pag-identify sa mga indigent upang matukoy na mga tunay na mahihirap na Pinoy ang mabibigyan ng libreng Philhealth coverage.
Tutulong naman ang DepEd sa pagbuo ng mga Philhealth desks sa mga public schools para i-encourage ang mga estudyante at magulang na magparehistro at maging miyembro ng Philhealth.
- Latest
- Trending