^

Bansa

Lapus, 11 pa kakasuhan sa noodle scam

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magsasagawa na ng preliminary investigation ang tanggapan ng Ombudsman hinggil sa kasong criminal na naisampa dito laban sa mga opisyal ng Department of Education at ilang pribadong indibidwal dahil sa kontrobesiyal na noodle scam.

Kinilala ang mga respondents sa kaso na naisampa ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman ay sina dating DepEd Sec. Jesli Lapus; dating   DepdEd BAC Chair­­man at Undersec­retary Teodosio Sangil Jr.; dating BAC Vice-Chairperson Demetria Manuel; ang mga dating BAC-members Na­nette Mamoran­sing, Macur Marohombsar at Artemio Capellan, Jr.; dating Officer-in-Charge Ramon Bacani; at private respondents na sina Alex­ander Billan, Gil Quenano, Lino Ong, Tere­sita Parco at Terencio Taloma ,pawang mula sa Jeverps Manufacturing Corporation (Jeverps).

Noong 2007 at 2008, naaprubahan ang pagbili sa mga noodles na hi­walay sa pagbili ng itlog pero hindi naman naitala dito kung ang itlog ay dagdag na com­ponent bilang ingredients sa noodles pero ang kontrata noong 2007 procurement ay 16,495,718 pcs. na may 100-gram pack ng noodles of “Fortified Instant Noodles with Fresh Eggs” na may halagang P283,626,515.66 sa ilalim ng DepEd’s “Food For School Program” na ina­ward sa Jeverps. Luma­bas sa imbestigasyon na ang lisensiya ng Jeverps’ ay sinuspinde ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Sa SGS findings, ang noodles ng Jeverps ay walang halong itlog taliwas sa kontrata nito sa DepEd.

ARTEMIO CAPELLAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

FIELD INVESTIGATION OFFICE

FOOD FOR SCHOOL PROGRAM

FORTIFIED INSTANT NOODLES

FRESH EGGS

GIL QUENANO

JEVERPS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with