DOTC chief pinuri sa PETC IT
MANILA, Philippines - Pinuri ng grupong Alagaan Natin ang Inang Kalikasan (ANIKALIKASAN) na pawang mga owners ng Private Emission Testing Centers sa bansa ang naging aksyon ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Jose “Ping” de Jesus sa isyu ng PETC Interconnectivity.
Ayon kay ANIKALIKASAN president Rodolfo Susi, dahil sa naging maagap na pag-aksyon ng DoTC ay magkakaroon na ng patas na playing field sa industriya ng PETC operations, gayundin ang gagawing pag iimbestiga sa high fee’s na umano’y sinisingil ng IT providers sa mga motorista, at ang umano’y pagbusisi sa isyu ng conflict of interest sa pagitan ng mga PETC owners at IT providers.
Nitong nakaraang linggo ng magpalabas ng memorandum ang tanggapan ng DoTC kasabay ng pagbibigay ng 6 month interim period sa mahigit na 600 PETC’s sa bansa na gamitin sa kanilang operasyon ang direct connection ng LTO-IT system through Stradcom Corporation.
Dahil sa naging kautusan ng DoTC, maaari na umanong maging kapani-paniwala ang bawat resulta ng emission testing sa mga sasakyan at hindi na puwedeng dayain, higit sa lahat ay liliit pa ang halaga ng sisingilin sa mga motorista kumpara sa naunang sinisingil ng mga IT providers na P80 bawat sasakyan.
- Latest
- Trending