2 sama ng panahon binabantayan
MANILA, Philippines - Dalawang sama ng panahon o low-pressure areas (LPAs) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA dahil sa pagtayang magiging isa itong ganap na bagyo at posibleng manalasa sa bansa.
Ayon kay PAGASA forecaster Ben Oris, ang dalawang LPAs ay maaaring ma-develop bilang mga bagyo sa susunod na 24 oras at tatawaging “Florita” at “Glenda”.
Sa ngayon anya, ang dalawang LPAs ay kumukuha ng lakas at ito ngayon ay nananatiling nasa karagatan.
Dahil sa naturang mga LPAs, ang mga lugar ng Aurora at ilang bahagi ng Central Luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-uulan sa hapon o gabi.
Ang unang LPA ay namataan sa layong 430 kilometro silangan ng Central Luzon habang ang isa ay nasa layong 1,030 km silangan ng Central Luzon.
Maulap na may pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa dulot na rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa bansa partikular na sa Metro Manila.
- Latest
- Trending