^

Bansa

MPD chief pinasisibak

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ang hindi umano maingat na pagkilos at kapabayaan ng mga opisyal ng local na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District (MPD) ang dahilan kaya nagresulta sa pagkamatay ng 8 HK nationals ang naganap na madugong hostage taking sa Luneta grandstand.

Sa pahayag ni dating Manila mayor Lito Atienza, da­pat naging maingat ang crisis management committee sa paghawak ng sitwasyon at nararapat din na si Mayor Alfredo Lim ang nangunguna sa ganitong uri ng sitwasyon lalo na at dati rin itong beteranong opisyal ng MPD.

Bunsod dito, nananawagan ang dating alkalde kay PNP Chief Director Gen. Jesus Versoza na sibakin sa puwesto si MPD Chief Rodolfo Magtibay at Supt. Nelson Yabut dahil na rin sa “mishandling” sa sitwasyon na nagdulot ng malaking kahihiyan sa Pilipinas matapos na mapanood ng mundo kung gaano kapalpak ang kapulisan at lokal na pamahalaan ng Maynila.

Giit pa ni Atienza na dapat ding managot si Lim dahil sa kawalan nito ng direct supervision habang nagaganap ang hostage taking. Kinuwestiyon din nito kung bakit ipinaubaya ni Lim kay Vice Mayor Isko Moreno ang nego­sasyon gayung hindi naman ito eksperyensado.

Paliwanag ni Atienza noong Marso 2007 kung saan siya pa ang Alkalde ng Maynila, hinostage din ni Jun Ducat ng halos 10 oras ang isang bus kung saan sakay ang mga batang estudyante subalit natapos ng mapayapa ang hostage taking matapos itong sumurender.

ATIENZA

CHIEF DIRECTOR GEN

CHIEF RODOLFO MAGTIBAY

JESUS VERSOZA

JUN DUCAT

LITO ATIENZA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MAYOR ALFREDO LIM

NELSON YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with