^

Bansa

Mga usisero ikukulong

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na ikulong ang mga usisero at usisera na sumusugod kapag may nagaganap na krimen katulad nang nangyari sa hostage crisis kamakalawa sa Quirino Grandstand.

Sa panukalang batas na inihain ni Revilla, layon nitong amiyendahan ang Presidential Decree No. 1829 at patawan ng pagkabilanggo na hindi bababa sa anim na buwan at multang hanggang P3,000 ang mga usiserong lumalampas sa police cordon at nakakasira ng ebidensiya.

Ikinadismaya ni Revilla ang nangyari sa hostage crisis kung saan biglang nagsulputan ang napakaraming usisero at naglapitan sa bus matapos mapatay ang hostage taker na si dating Police Sr. Insp. Rolando Mendoza.

Mahalaga anyang maipreserba ang ebidensiya sa isang krimen na kalimitan ay nasisira dahil sa pagdagsa ng mga usisero. Dahil sa pang-uusyuso, isang sibilyan ang nadamay at tinamaan ng bala habang nagaganap ang hostage crisis.

DAHIL

HOSTAGE

IKINADISMAYA

MAHALAGA

POLICE SR. INSP

PRESIDENTIAL DECREE NO

QUIRINO GRANDSTAND

REVILLA

ROLANDO MENDOZA

SENATOR RAMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with