^

Bansa

Customs nagsampa ng P68-M smuggling case vs luxury car dealer

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng Bureau of Customs (BOC)  sa Department of Justice (DOJ) ang isang big time car dealer na hinihinalang nag-smuggle ng mga luxury vehicle sa bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Lito Alvarez, nabuking nila na ang modus operandi ng Viking Haulers ay idinedeklara na mga motor vehicle ang mga nasabing mamahaling sasakyan.

Kasama sa mga kinasuhan si Reynaldo Pazcoguin, presidente ng Vikiing Haulers; Rodelito Biag, vice-pre­sident nito; Ofelia Pazcoguin, corporate sec. ng kumpanya, isang customs broker at iba pa.

Aabot sana sa P68 milyon ang dapat na bayarang duties and taxes ng nasabing kumpanya para sa 10 luxury vehicle na hindi nito idineklara.

Kasama sa mga mamahaling sasakyan na hindi idineklara ng nasabing kumpanya ang 2010 model ng Lamborghini Gallardo, 2010 model ng Mercedes Benz SL 65, 2010 model ng Porsche GT3, at 2010 Lambhorgini Murcielago.

Nagbabala naman si Alvarez sa Viking Haulers na kung mabibigo ito na bayaran ang kulang nitong duties and taxes ay kukumpiskahin nila ang mga nasabing sasakyan.

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER

DEPARTMENT OF JUSTICE

KASAMA

LAMBHORGINI MURCIELAGO

LAMBORGHINI GALLARDO

LITO ALVAREZ

MERCEDES BENZ

OFELIA PAZCOGUIN

VIKING HAULERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with